HINDI LAHAT NG MGA BATA
June 30, 2009 by champoyupee
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan… KASI sa totoo lang, ang iba walang pamasahe papuntang eskwelahan;
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan… KASI ang iba sa murang edad pa lang nila, sila ay nagtatrabaho na;
Hindi lahat ng batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan…KASI ang iba, walang laman ang tiyan;
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan… KASI ang ilan ay nasa kalsada, naglalako;
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan… KASI ang ilan ay namamalimos;
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan… KASI ang ilan ay nagbabantay ng maliliit nilang kapatid;
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan…KASI ang ilan walang uniporme.
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan…KASI ang ilan, walang tsinelas;
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan… KASI ang ilan ay malnourished;
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan… KASI ang ilan walang pang-tuition;
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan…KASI ang ilan ay walang lapis at papel;
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan… KASI ANG GOBYERNO NILA WALANG PAKIALAM PARA SA KANILA.
Hindi lahat ng mga batang naka-bag ay pumapasok sa eskwelahan… KASI NANINIWALA ANG ILAN NA ANG EDUKASYON AY HINDI LAMANG MAKUKUHA SA APAT NA SULOK NG SILID-ARALAN.