Mga Utaw ng Caberzares (North Pole), Chinukchak ng Bonggang-bongga Ng mga Tulisan; Mga taga-Caberzares, hindi nasiyahan
September 24, 2009 by champoyupee
Ni Chenelyn Chenes-Uragenia
Sipsiptember 24, 2009
Naloka ang mga supot-ters ni Majorette aQuin-10 pulgadas Salo-daga ng sumalakay ang mga tulisan (este mga taga-North POLEsan) na pinangunahan ng isang mahaderang bakla na si PweDi (dididi ako) U-save-Urself Mejot-jot sa Municipal Hole-in-the-wall ng Caberzares, isang bayan sa North Pole. Napatumbling talaga ng bonggang-bongga ang mga utaw na nagsimulang magtipon noong ika-4-dapat Sipsiptember 2009 upang magkulutan sila ng bonggang-bongga.
Nangyari ang pagsalakay ng mga wakwak (este tulisang North POLEsan) madaling araw (bandang alas-singko) ng Sipsiptember 12 ng di talaga mapigilan ni PweDi (dididi ako) U-save-Urself Mejot-jot ang kanyang kati. Ka-katol-se palang kasi niya.
“Gusto ko talaga ma-kongkang ng buong-buo ang kay aQuin-10 pulgadas na kum[p]are ko pa para ma-feel ko talaga ang pagiging darna ko. O diba, masaya iyon? (sabay tawa ng bonggang-bongga),” ayun sa panayam ni notLady Ka[me]lot, na isang news Stranger ng DNA-7 na naka-base sa Katbilogan, kay PweDi (dididi ako) U-save-Urself Mejot-jot.
Nagulantang ang bayan ng Caberzares (North Pole), ng marinig nila ang pagtitili ng mga supot-ters ni Mayor aQuin-10 pulgadas ng ‘Hostes-na, hostes-na! Hostes-na, hostes-na!’ Dahil sa pagtitiling ito, napahiya at nag-blush (na parang na red-tide) si PweDi (dididi ako) U-save-Urself Mejot-jot sa kanyang mga taohang tulisan (na robotics pala) kasi ang akala niya na siya ang tinitilian at sinisigawan ng “Hostes-na, hostes na!” ng mga utaw.
Dahil sa hindi niya makontrol ang pagtitili ng mga supot-ters ni Majorette aQuin-10 pulgadas Salo-daga, binanatan niya ang mga ito ng ‘Charge, charge!’, utos niya sa kanyang mga taohang tulisan (na robotics pala). Naloka ang bayan ng Caberzares ng magtilian, nagka-sabunutan na, at nagkasampalan pa ng bonggang-bongga ang dalawang grupo.
“We are here to serve and protect (the powerful), at ang inyong pagkukulutan sa Municipal Hole-in-the-Wall ng Caberzares ay ilegal sapagkat ang may karapatan lang magkulutan rito ay ang mga supot-ters ni siRaulo kay Mazalsal[on], kontraBeda magBogtongan-tayo, at Arte-mo ‘Titi’y patay na’ Balagon pa”, ang sabi ni PweDi (dididi ako) U-save-Urself Mejot-jot sa Majorette aQuin-10 pulgadas Salo-daga supot-ters.
Sa malalaswang videos na pinost sa Iyo-tube (akin hindi) at sa Fish-buk, makikita na dinugo ang mga supot-ters ni Majorette aQuin-10 pulgadas Salo-daga. Mas nagalit at mas nag-blush si PweDi (dididi ako) U-save-Urself Mejot-jot sa kanyang nakita sa semento ng Municipal Hole-in-the-wall na mga tulo na nagpapatunay ngang dinugo ang mga supot-ters ni Majorette Salo-daga. Hindi siya makapaniwala na sila’y mas ganap na dalaga na kaysa sa kanyang super Mejot-jot kay siRaulo kay Mazalsal[on]. ‘Charge, charge!’ ang mga sumunod na dialogue ng mahadirang ambisyosang baklang si Mejot-jot.
Ayun naman kay notLady Ka[me]lot na kanyang ipapa-DNA ang mga dugo para malaman talaga kung sinu-sino sa mga supot-ters ang dalaga na at mas natarayan si Mejot-jot para mas mapatunayan kung sino talaga ang totoong Katol-se.
Ilang sandali pa ay nakausap ni PweDe (dididi ako) U-save-Urself Mejot-jot si Majorette aQuin-10 pulgadas Salo-daga sa cellphone. “Mare (este pare), mag-give way na tayo para maipagpatuloy sa Municipal Hole-in-the-wall ang serbisyong kulutan, manicure, pedicure, arot. Ilang days ng walang kulutan, at ako’y taga-North Pole rin, gusto ko ng magpakulot kaso ang tataray ng mga supot-ters mo”, sabi ni Mejot-jot. Tugon ni Majorette aQuin-10 pulgadas Salo-daga, “makikinig ako sa mga utaw at hindi sa mga animals na tulad mo”. Dahil rito mas nag-init si Mejot-jot kasi hindi nasunod ang kanyang mottong ‘Be kind to animals’.
Walang nagawa ang mga utaw sa Caberzares ng gumamit na talaga ng special ‘tulis’ powers itong si PweDe (dididi ako) U-save-Urself Mejot-jot. Crying ladies naman ang naitugon ng mga supot-ters ni Majorette aQuin-10 pulgadas Salo-daga samantalang ang mga supot-ters ni Arte-mo ‘Titi’y patay na’ Balagon pa” ay parang bangkay na sa nakitang sorpresang dulot ng pinagsanib na ‘tulis’ powers nila Mejot-jot, siRaulo, kontraBeda, at Arte-mo. (Iginreport ni Trulili)